Korina Sanchez, payag maging ninang ng second baby nina James Yap at Michela Cazzola

by Jojo Gabinete
May 9, 2018

“Tatanggapin ko.”

Ito ang sagot ni Korina Sanchez nang tanungin kung papayag ba siyang maging ninang ng second child ni James Yap at ng Italian girlfriend nitong si Michela Cazzola.


Walang bahid ng malisya o intriga ang sagot ni Korina sa chance encounter namin sa kanya nina Ricky Lo at Lolit Solis sa harap ng Net Park building sa 5th Avenue, Bonifacio Global City.

Continue reading below ↓

Unwittingly, nasangkot sa kontroberiya si Korina dahil sa interbyu niya kay James sa Rated K na ikinagalit ni Kris Aquino.

Hindi nagpaapekto si Korina sa meltdown ni Kris kaya nakuha niya ang paghanga at respeto ng karamihan ng mga tao.

May meeting si Korina sa BGC, samantalang nanggaling naman sina Lolit at Ricky sa Manila House nang magpang-abot sila kahapon, May 8.

Ang mag-asawang sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr. ang hosts ng birthday lunch na pinuntahan nina Lolit at Ricky, kasama ang kanilang kaibigan na si Rubby Sy, ang CEO ng Flawless.


Continue reading below ↓

Hindi nakarating sa luncheon ang three-year-old daughter nina Vicki at Hayden na si Scarlet Snow dahil may pasok ito sa school.

Si Scarlet ang flower girl sa April 20 Balesin wedding nina Billy Crawford at Coleen Garcia, at kabilang naman si Sharon Cuneta sa mga ninang.

Hindi nangyari ang request na photo op ni Sharon na kasama si Scarlet dahil wala ito sa kundisyon nang araw na yun.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results