Opisyal na ipinakilala si Young JV bilang brand ambassador ng Megasoft kahapon, May 8.
Kaya grateful ang singer-actor na nag-umpisa ang showbiz career noong 2009 at naging kontrobersiyal dahil sa kanyang private video na nag-leak online.
Sinagot ni Young JV ang isyu noong 2014 dahil sinabi niya sa isang interview na, “My downfalls are my mistakes as a kid and errors in my life in terms of decision making so for me its always being positive, being you and myself every year.”
Eduardo JV Kapunan IV ang tunay na pangalan ni Young JV.
Magkapangalan sila ni former Air Force Lt. Col. Eduardo "Red" Kapunan, na ambassador na ngayon sa Myanmar, dahil ito ang ama niya.
Sa millennials na hindi nakakakilala kay Ambassador Kapunan, kabilang siya sa mga prominent figure ng EDSA revolution noong 1986 dahil kasama siya sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines na lantarang nagpahayag ng pagkadismaya at nagrebelde laban sa pamumuno ni deposed President Ferdinand Marcos.
Anyway, sa kabila ng eskandalo na kinasangkutan ni Young JV, hindi nagkamali si Aileen Choi-Go, ang Megasoft Vice President for Sales and Marketing sa pagpili sa kanya bilang newest ambassador dahil active civic leader siya.
Instagram
Tumutulong si Young JV sa pamilya ng mga sundalo sa pamamagitan ng kanyang foundation, ang Lahing Bayani.
Nag-aral si Young JV sa Cambridge University sa London, pero huminto siya dahil sa mga showbiz commitment niya.
Nevertheless, ipinangako ni Young JV na tatapusin ang Communication Arts course dahil pangarap niya at ng kanyang mga magulang na magkaroon siya ng college diploma.