Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Teresita Ssen "Winwyn" Marquez, dilemma kung ano ang gagamiting screen name

by Jojo Gabinete
May 11, 2018

Bago pumirma ng program contract si Nora Aunor sa GMA Network, Inc. kahapon, May 10, nauna na ang pagpirma ni Teresita Ssen "WinWyn" Marquez ng kontrata sa Kapuso network.

Si Teresita ang reigning Reina Hispanoamericana at ang gagamiting screen name ang dilemma niya.

Sa showbiz, mas kilala si Teresita bilang WinWyn, pero Teresita Ssen ang ginamit niya nang sumali at manalo siyang Reina Hispanoamericana Filipinas sa 7th edition ng Miss World Philippines na ginanap noong September 3, 2017 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Si Teresita ang official representative sa 27th edition ng Reina Hispanoamericana at nakuha niya ang korona sa pageant night na ginanap noong November 5, 2017 sa Santa Cruz, Bolivia.

Apparently, may hatid na suwerte kay Teresita ang tunay na pangalan niya kaya hindi ito dapat ituring na dilemma.

Walang dahilan para mamroblema si Teresita kung ang real name o ang nickname na WinWyn ang kanyang gagamitin dahil hindi naman siya magpapanggap bilang iyon pa rin ang tunay na pangalan niya.

Continue reading below ↓

Hindi dapat mag-alala si Teresita na baka malito ang mga tao dahil nagawa nga nina Charice Pempengco at Rustom Padilla na palitan, hindi lamang ang mga pangalan nila kundi pati na rin ang kanilang mga kasarian.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results