Former DOT Secretary Wanda Teo, plano na talagang sibakin bago pa man ang P60M ad deal?

by Jojo Gabinete
May 11, 2018

Mali ang mga haka-hakang nawala sa posisyon si former Department of Tourism Secretary Wanda Teo dahil sa P60-million deal ng naturang government agency sa programa ng kanyang mga kapatid na sina Ben at Erwin Tulfo sa PTV-4.


As early as last month, narinig na namin ang balita mula sa isang reliable source na si Teo ang susunod na sisibakin ni President Rodrigo Duterte matapos “magbitiw”” sa tungkulin ni former Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Continue reading below ↓

In fact, sinabi ng Cabinet Files informant noong nakaraang buwan na apat na opisyal sa Duterte administration ang tatanggalin.

Kabilang ang mga pangalan nina Aguirre at Teo sa mga binanggit niya.

Nakarating sa amin ang balita noong April 5, 2018 habang nasa presscon kami ng Three Stars, One Heart, ang concert nina Regine Velasquez, Christian Bautista, at Julie Anne San Jose sa Dagupan City.

At the time, mainit na pinag-uusapan ang kontrobersiya tungkol sa Madrid Fusion Manila, na isa sa mga project ng Department of Tourism na hindi natuloy ngayong 2018.

Dalawa ang versions ng pagkawala ni Teo sa posisyon.

Ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio, nag-resign si Teo.

Pero taliwas ito sa pahayag ni President Rodrigo Duterte na, “Marami akong napaalis sa corruption. Mayroon bago, it has nothing to do at all with any other reason. I just don’t want to make publicity out of it.”

Continue reading below ↓

Sinabi ng Cabinet Files source na lalong napadali ang pagkawala ni Teo sa puwesto dahil sa kontrobersiyal na P60-million deal ng DOT sa PTV-4 program ng kanyang mga kapatid na sina Ben at Erwin Tulfo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results