Nora Aunor, ayaw na si Lav Diaz ang magdirek ng life story niya kung gagawin itong pelikula

Kasama sa mga plano ni Nora Aunor na isalin sa pelikula ang kanyang life story na siya rin ang gaganap.

Pero naging prangka ang multi-awarded actress sa pagsasabing ayaw niya na si Lav Diaz ang maging direktor ng project.


“Hindi pa siguro ngayon, pero gagawin ko [ang life story ko] kasi makakadagdag yun ng inspirasyon sa mga kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, tatlong istorya, dahil hindi mo naman matatapos yun sa isang istorya.

"Ayoko naman maging si… sinong direktor nga 'yon?

“Si Lav Diaz? Ayoko naman maging ganoon ang pelikula ko kaya puwedeng putol–putol.

"Sinabi ko na 'yan noon, baka-mag-away kami.

“Hindi, walang biro, nagiging prangka lang ako.

"Hindi ko naman 'yan itinatago dahil madalas ko 'yan sabihin kahit kanino.

"Pero bilib ako sa kanya dahil magaling siya na direktor," ang paliwanag ni Nora tungkol sa pagtanggi niyang makatrabaho si Diaz.

Naintindihan namin ang nais sabihin ni Nora dahil dalawa sa mga pelikula ni Diaz ang aming pinagtiyagaang panoorin noon.

Una, ang 2001 movie na Batang Westside na limang oras ang running time.

Pangalawa, ang Hele sa Hiwagang Hapis na walong oras at limang minuto ang haba, kaya literal na nagpenitensya kami sa panonood sa pelikula na nagbukas sa mga sinehan noong Black Saturday ng 2016.

Iginagalang namin ang opinyon ni Nora dahil kahit nanalo si Diaz ng mga best director award sa mga international film festivals, kinikilala rin sa iba’t ibang bansa ang husay ni Aunor bilang aktres

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close