Andi Eigenmann maggi-guest sa Celebrity Bluff; lilipat na sa GMA-7?

Nagkaroon ng mga speculation na lilipat na ng network si Andi Eigenmann dahil nag-taping siya para sa Celebrity Bluff, ang game show ni Eugene Domingo sa GMA-7, noong Huwebes, May 10.


Kabilang si Andi sa mga contestant ng Celebrity Bluff at ang kanyang ina na si Jaclyn Jose ang kakampi niya sa episode ng game show na mapapanood sa Kapuso Network sa huling Sabado ng Mayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ng staff ng Celebrity Bluff na wala nang kontrata si Andi sa ABS-CBN kaya puwede nang mag-guest ang aktres sa GMA-7.

Naimbitahan ng Celebrity Bluff staff si Andi sa pamamagitan ng Viva Artists Agency dahil ito ang namamahala sa career ng aktres.

May mga nag-isip na malaki ang posibilidad na maging Kapuso actress si Andi dahil sa statement ni Jaclyn sa presscon noon ng The Cure na niyayaya niya ang panganay na anak na lumipat sa GMA-7.

Pero ang mga boss pa rin ng Viva Artists Agency ang magdedesisyon at masusunod.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close