Ricky Davao, nabawasan ng 20 pounds dahil sa keto diet

by Jojo Gabinete
May 12, 2018

Ketogenic Diet ang sikreto ng pagpayat ni Ricky Davao.

Ito ang ipinagtapat niya nang makausap siya ng Cabinet Files sa grand presscon ng Inday Will Always Love You, ang upcoming primetime teleserye ng GMA-7 na ipapalit sa timeslot ng The One That Got Away na magwawakas sa May 18, 2018.

Ricky Davao is Sir Philip. �?� #IWALYMediaLaunch

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on

Inumpisahan ni Ricky ang Keto Diet noong September 2017 at, so far, 20 pounds na ang nababawas sa dating timbang niyang 230 pounds.


Continue reading below ↓

Sa tulong ng Keto Diet, umaasa si Ricky na makakamit niya ang tina-target na ideal weight na 190 pounds.

“Dati nagpapa-deliver ako ng keto foods, then pinaaral ko na lang [sa kasambahay ang pagluluto].

"Basta ang pina-follow ko, no carbs.

"Kapag sinabing no carbs, walang kanin, walang tinapay, walang pasta at fruits.

"Dati mahilig ako sa fruits, ngayon hindi na, kasi may sugar daw yun," kuwento ni Ricky tungkol sa dahilan ng pagpayat niya, kaya nagmukhang bata siya at nagkaroon ng malaking improvement ang kanyang kalusugan.

Sumali rin si Ricky sa Ketogenic Philippines, ang organisasyon na nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa Ketogenic Diet at sa mga tindahan na puwedeng bilhan ng keto foods.

“Kumakain ako ng ice cream, gabi-gabi, pero Keto ice cream. Ang sarap… nabibili yun sa Gypsy Gourmet Café,” sabi ni Ricky.

Nasubukan na raw ni Ricky ang lahat ng klase ng diet sa loob ng 15 taon, tulad ng Southbeach Diet, Atkins Diet, regular na pagpunta sa gym, at araw-araw na pagtakbo.

Continue reading below ↓

Pero sa Keto Diet lamang natupad ang pangarap niyang pumayat.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results