Gladys Reyes, tanggap ang titulong Queen of Ex-Deals

"Pang-mayaman" ang 1st birthday celebration ni Gavin Cale, ang anak na bunso nina Gladys Reyes at Christopher Roxas, noong Huwebes, May 10.

Occupied ng birthday party ni Gavin ang grand ballroom sa third floor ng Ace Hotel & Suites sa Pasig City.

Kaya pati ang invited guest na si Carlo Aquino ay nagulat sa laki ng venue at sa dami ng mga magician na finalists sa Pilipinas Got Talent na nag-perform.

Inabot ng 10 PM ang pagdiriwang na nagsimula ng 3 PM.

At dahil naturally honest si Gladys, hindi nito pinabulaanang malaki ang party ng kanyang anak dahil sa talent niya sa pagkuha ng mga ex-deal.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ikaw raw ang Queen of Ex-Deals?” ang tanong ng Cabinet Files.

Sagot naman ni Gladys, “Actually, gusto kong klaruhin 'yan.

"For the record, hindi intriga yun, totoo po yun!

"Hindi naman ibig sabihin ng ex-deal, libre, kasi pinapalitan mo yun.

"At ang kapalit nun, siyempre, parang tulungan kayo.

"Siyempre, ang akala ni Carlo, ang yaman namin. Ang yaman talaga namin sa pananampalataya.

"Sumasampalataya talaga ako na mairaraos namin ito nang maluwalhati at matagumpay, at mukhang nag-succeed naman tayo.

"Masuwerte lang tayo siguro na marami ang nagta-trust at nagtitiwala sa amin!" ang natatawang sabi ni Gladys, na hindi offended sa label sa kanya na "Queen of Ex-Deals."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close