Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Viva at Idea First, nagsanib para sa comeback movie ni Claudine Barretto

by Jojo Gabinete
May 13, 2018

Joint venture ng Viva Films at The Idea First Company ang comeback movie ni Claudine Barretto na sisimulan ang shooting sa July 2018.

Ang The Idea First Company executive producer na si Perci Intalan ang nagsabi sa Cabinet Files na tailor made for Claudine ang movie project na hinahanapan pa nila ng title.

Si Sigrid Andrea Bernardo ang direktor at siya rin ang sumulat ng kuwento at screenplay ng pelikula.

“Wala pang confirmed title si Direk Sig, e. Honestly talaga, wala pa siyang maisip. Wala pang co-stars, si Claudine pa lang nakakausap namin.

"Ang Viva ang nag-open ng possibility of working together. E, gustung-gusto ni Direk Sig, so kinarir niya ang pagbuo ng story for Claudine,” ang ilan sa mga impormasyon na sinabi ni Perci.

Kinumpirma ni Perci na kukunan sa ibang bansa ang mga eksena ng comeback movie ni Claudine at ito ang inaayos nila dahil gusto ni Sigrid na mag-shooting sa Eastern Europe.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Read More Stories About
Claudine Barretto, Viva Films
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results