Floyd Mayweather Jr., "masungit"

by Jojo Gabinete
May 13, 2018

Ang jetskiing sa isang island sa Davao ang huling activity ng controversial American boxing superstar na si Floyd Mayweather, Jr. bago ito umalis sa Pilipinas.


“Masungit “ si Mayweather Jr., ang kuwento ng staff ng isang island resort sa Samal na pinuntahan niya dahil hindi siya puwedeng lapitan.

Continue reading below ↓

VVIP or very very important personality ang kategorya kay Mayweather Jr. ng management ng island resort kaya maraming ipinagbabawal sa staff tulad ng photo op na kasama siya.

Hindi talaga basta malalapitan si Mayweather Jr. dahil napapaligiran siya ng mga bodyguard, ng kanyang The Money Team at sexy girls na kasama niya.


Continue reading below ↓

Ayon sa report ng ABS-CBN Sports, si Special Assistant to the President Bong Go ang nag-arrange ng short trip ni Mayweather Jr. sa Samal island.

Personal na nagkita ang dalawa nang pumunta si Mayweather Jr. sa Davao noong Biyernes.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results