Manilyn Reynes, forever ang kontrata sa mister na si Aljon Jimenez bilang manager niya

by Jojo Gabinete
May 14, 2018

Magaling na manager ang kanyang asawa na si Aljon Jimenez ang pagmamalaki ni Manilyn Reynes nang makausap siya ng Cabinet Files sa presscon ng Inday Will Always Love You ng GMA-7.

I love you, Hon������

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27) on

"Since we are a couple, we know kung saan namin gusto patungo ang gagawin namin, yung career move.

"Ang maganda, kapag may proyekto, nagkukonsultahan pa rin kami. Hindi yung ‘O, hon, ilalagay kita sa ganito.’

“Forever ang contract ko sa kanya at saka itong deal ko namin, ang exclusive contract ko with GMA-7, siyempre, kanya 'yan,” ang kuwento ni Manilyn.

May komisyon ba si Aljon bilang manager niya?

"Aba dapat, manager, e! Ganoon talaga because you are also working,” ang natatawang sagot ni Manilyn.

Naghihintay lang daw sila ng right timing dahil may plano sila ni Aljon na magbukas uli ng food business.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results