Boobay, nag-iipon ng pera para mabisita ang boyfriend sa Australia

by Jojo Gabinete
May 14, 2018

Matagal nang physically apart ang gay comedian na si Boobay at ang kanyang boyfriend na si Kent Juan Resquir dahil nagtatarabaho na ito bilang physiotherapist at nag-aalaga rin ng stroke patients sa Australia.


Miss na miss na ni Boobay si Ken kaya nag-iipon siya ng pera para mabisita niya ang boyfriend na may two-year contract sa Australia.

Malaki ang kinalaman ni Ken sa quick recovery ni Boobay nang magkaroon ito ng stroke noong November 2016.

Sa tanong kung may plano na silang magpakasal, sumagot si Boobay na naghihintay lamang siya ng proposal mula kay Ken at kapag nangyari ito, tatanggapin niya agad ang alok.

Mula nang umalis si Ken, lalong naging maingat si Boobay sa kalusugan nito.

Hindi na niya pinapagod ang sarili at hindi na rin siya nagpupuyat para hindi na maulit ang nangyari noong 2016.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results