Noong May 10 ang third wedding anniversary ni Diana Zubiri at ng kanyang asawa na si Andy Smith kaya nagpunta sila sa Maldives noong Biyernes, May 11, para doon gunitain ang araw ng pag-iisang dibdib nila.


Double celebration ang nangyari dahil bukod sa anibersaryo ng kanilang kasal, magdiriwang si Andy ng kaarawan sa May 28.

"Ideal for couple at dream talaga namin na magbakasyon at makapagpahinga sa Maldives," ang sabi ni Diana tungkol sa desisyon nila ni Andy na puntahan ang Maldives, na may pito at kalahating oras na flight duration mula sa Manila.


