Direk Toto Natividad, Angelika dela Cruz, That's My Bae members wagi sa barangay elections

by Jojo Gabinete
May 15, 2018

Vindicated ang movie and television director na si Toto Natividad dahil nahalal siya kahapon, May 14, bilang barangay chairman ng North Boulevard South, Kaunlaran, Navotas City, sa kabila ng mga paninira sa kanya ng mga kalaban niya sa pulitika.

Si Toto ang isa sa mga direktor ng FPJ's Ang Probinsyano ng ABS-CBN.


Continue reading below ↓

Ilang araw bago naganap kahapon ang barangay election, kumalat sa barangay nila ang open letter na nag-uugnay sa kanya sa illegal drugs at pinararatangan siya ng pagbebenta sa mga artista ng mga ipinagbabawal na gamot.

Damay rin sa mga paninira kay Natividad si Julio Diaz na dinakip noong nakaraang buwan dahil sa illegal drug charges.

Artista ni Natividad si Julio sa Ang Probinsyano.

Bukod sa illegal drug activities, pinaratangan si Natividad ng pang-aabuso sa mga kababaihan at pagkakaroon ng mga ari-arian dahil sa pagbebenta niya ng mga ipinagbabawal na gamot.

Isang araw bago ang eleksyon, ipinagtapat ni Natividad na may riding in tandem na armado ang paikot-ikot sa bahay niya sa Navotas City.

Pero hindi nagpakita ng takot ang direktor ng mga action movie at hindi rin nakaapekto sa kanyang kandidatura ang kumalat na open letter dahil siya pa rin ang ibinoto ng mga kababayan niya.

ANGELIKA DELA CRUZ. Biktima rin ng mga paninira si Angelika dela Cruz na kumandidato muli bilang barangay chairman sa Malabon City.

Continue reading below ↓


Hindi nagtagumpay ang detractors ni Angelica dahil siya pa rin pinili ng kanyang mga kababayan para maglingkod na kapitana ng barangay.

TINA MONASTERIO. Nahalal na number one kagawad sa barangay nila sa Quezon City ang former actress na si Tina Monasterio, na mas kilala ngayon bilang nanay ng aktor na si Derrick Monasterio.

Continue reading below ↓

Obviously, malaki ang kontribusyon ni Derrick sa pagkakahalal sa kanyang ina dahil naging masipag siya sa pangangampanya.


THAT'S MY BAE. Elected na SK Chairman ng Barangay 34, Maypajo, Caloocan City ang That’s My Bae member na si Miggy Tolentino.


Continue reading below ↓

Definitely, nakatulong ang daily exposure ni Miggy sa Eat Bulaga! kaya nahalal siyang chairman ng Sangguniang Kabataan sa barangay nila sa Caloocan City.

Panalo ring SK Chairman sa Santolan, Pasig City ang former That’s My Bae member na si Gab Bayan.


Tumiwalag si Gab sa That’s My Bae noong December 2015 dahil ang pag-aaral sa Far Eastern University ang priority niya.

Continue reading below ↓

Si Gab ang 82nd president ng Central Student Organization ng FEU, chairman ng KABAKAS Youth Organization, at awardee ng Jose Rizal Model Students of the Philippines 2018.

JENN QUIZON. Magpapatuloy bilang barangay chairman ng Bagong Tambo, Parañaque City si Jenn Salimao Quizon, ang asawa ng aktor at Parañaque City Councilor Vandolph Quizon dahil siya ang nagwagi.

Continue reading below ↓



Si Jenn ang nahalal na 1st councilor sa barangay elections noong 2013 at siya ang pumalit bilang barangay chairman nang sumakabilang-buhay noong nakaraang taon si Barangay Captain Fred de Leon.

Nahalal na barangay captain ng Barangay BF sa Parañaque City si Paolo Marquez, ang anak ng aktor na si Joey Marquez.

Continue reading below ↓



Si Paolo ang successor ng kanyang kapatid na si Jeremy Marquez na three-term village chief ng BF Homes.

Si Jeremy ang deputy secretary general ng Housing and Urban Development Coordinating Council dahil ito ang posisyon na ipinagkatiwala sa kanya ni President Rodrigo Duterte noong August 10, 2017.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results