Maricel Soriano at Maine Mendoza, posibleng magsama sa isang pelikula

by Jojo Gabinete
May 16, 2018

Isang light comedy movie, tulad ng kanyang blockbuster project na My 2 Mommies, ang pelikula na gagawin ni Eric Quizon na pagbibidahan ni Maricel Soriano.


Nakausap si Eric ng Cabinet Files sa thanksgiving presscon ng My 2 Mommies sa Valencia Events Place kahapon, May 15.

Dito niya sinabing tinatapos pa ng kapwa direktor at writer na si Joey Javier Reyes ang script ng project ng Regal Entertainment, Inc. para sa Diamond Star.

Continue reading below ↓

Ang entertainment columnist at film critic na si Mario Bautista ang nagbigay kay Eric ng idea na magandang pagsamahin sina Maricel at Maine Mendoza sa isang pelikula dahil parehong mahusay sa comedy at drama ang dalawa.

Besides, sa mga young actress ngayon, si Maine ang pasadong-pasado na makipagtagisan sa galing ni Maricel na isang seasoned actress.


Continue reading below ↓

Excited si Eric sa posibilidad na magkasama sina Maricel at Maine sa isang movie project na maaaring isali sa Metro Manila Film Festival 2018 dahil parehong mahal ng masa ang dalawa.

Matalik na magkaibigan sina Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, Inc. at Tony Tuviera ng APT Entertainment kaya puwedeng-puwede silang magsanib-puwersa para magkaroon ng katuparan ang Maricel-Maine movie team up.

Si Mr. Tuviera ang manager ni Maine.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results