Ina ng netizen na nagdemanda kay Ellen Adarna, pinuputakti rin ng bashers

by Jojo Gabinete
May 16, 2018

Child abuse at cybercrime ang mga kasong isinampa ni Myra Abo Santos laban kay Ellen Adarna sa Office of the City Prosecutor, sa Pasig City, kahapon, May 15.


Si Santos ang naghain ng reklamo para sa kanyang 17-year-old daughter, na inakusahang "papparazi" ni Adarna.

Itinuloy ni Santos ang demanda laban kay Adarna dahil hindi nito ibinigay ang public apology na hinihingi niya para sa kanyang menor de edad na anak, na pinagbintangang palihim na kinunan ng video sina Adarna at John Lloyd Cruz habang nasa isang restaurant sila.

Continue reading below ↓

Inilabas ni Santos sa kanyang Facebook account ang open letter niya para kay Adarna na mayroon nang 26,754 shares at more than 15,000 comments,as of press time.

Hati ang mga reaksiyon ng publiko tungkol sa isyu.

May mga komento na dinudurog ang pagkatao nina Adarna at Cruz, pero may mga bumabatikos din kay Santos at sa kanyang menor de edad na anak.

Bilang isang magulang, karapatan ni Santos na ipagtanggol ang kanyang anak.

Pero mas naprotektahan sana niya ang menor de edad na bata kung hindi na binanggit ang pangalan nito sa open letter at hindi na inilabas ang litrato na magkasama sila para makaligtas mula sa public scrutiny ang biktima.

Matitindi rin ang batikos kay Santos at sa kanyang anak ng mga taong nakikisimpatiya kina Adarna at Cruz.

In fact, mas grabe ang masasakit na salitang nabasa ng Cabinet Files sa mismong Facebook account ni Santos, na biktima na rin ng cyberbullying kaya may mga sapat na ebidensiya na siya para sampahan ng child abuse at cybercrime ang mga rude commenter, kung gugustuhin niya at kung may kakayahan siyang magdemanda ng maraming tao na hindi niya personal na kilala at nagtatago sa fictitious names.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results