Onanay, final title ng teleserye ni Nora Aunor sa GMA-7

Onanay ang final title ng upcoming prime time television series ng GMA-7 na pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor.


Extraordinary Love ang working title ng bagong television assignment ni Nora, pero nagdesisyon ang Kapuso management na palitan ang pamagat.

Hindi pa matiyak ng Kapuso Network management ang telecast ng Onanay dahil extended for the nth time ang Kambal, Karibal, ang programa na papalitan ng Onanay.

Last night, ipinakita sa Kambal, Karibal ang death scene ni Jean Garcia.

Pinatay na ang karakter ni Jean sa top-rating teleserye ng GMA-7 dahil mag-uumpisa na ang taping niya para sa Ika-Limang Utos: Wag Kang Papatay, ang bagong afternoon drama series na mula sa direksiyon ng aktres at direktor na si Laurice Guillen.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN