James Reid, humingi ng paumanhin sa hindi pagdalo sa MYX Music Awards

Big winner si James Reid sa 13th MYX Music Awards 2018 na ginanap noong May 15, 2018 sa Smart Araneta Coliseum.

Si James ang nagwagi na Male Artist of the Year at Artist of the Year.

Napanalunan din niya ang Song of the Year at ang Music Video of the Year.


Pero hindi siya nakadalo sa awards night para personal na tanggapin ang mga parangal dahil nagpapahinga ang actor-singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaghahandaan ang Revolution concert nila ni Nadine Lustre sa May 19 sa Hoops Dome, Cebu City.

Humingi ng paumanhin si James sa mga organizer ng MYX Music Awards at ipinaabot niya ang taos-pusong pasasalamat sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close