Teenager na inakusahan ni Ellen Adarna na "paparazzi," mas na-expose sa cyberbullying

by Jojo Gabinete
May 17, 2018

Hiningi ng Cabinet Files ang opinyon ng isang lawyer na expert sa child abuse cases at legal counsel ng Department of Social Welfare and Development tungkol sa mga kaso ng child abuse, cybercrime at libel na isinampa ng isang Myra Santos laban kay Ellen Adarna.


"One of the elements of child abuse is proof that the minor suffered some physical or psychological damage which adversely affected her growth and development.

Continue reading below ↓

"Not to prejudge, but I think the mother may have exposed her own child to further cyberbullying by taking her fight to social media instead of confining it to the courts,” ang opinyon ni Atty. Minerva "June" Ambrosio.

Inihain ni Santos ang reklamo niya laban kay Ellen sa prosecutor’s office ng Pasig City noong Martes, May 15, 2018. Si Santos ang ina ng 17-year old girl na pinaratangan ni Adarna na lihim na kinunan ng video ang restaurant date nila ni John Lloyd Cruz.

Sa pamamagitan ng open letter na naka-post sa Facebook account niya , nag-demand si Santos ng public apology mula kay Adarna dahil nanindigan ang kanyang menor de edad na anak na hindi nito palihim na kinunan ng video sina Adarna at Cruz.

Ang Facebook post ni Santos ang dahilan kaya kapwa sila nakatikim ni Adarna ng mga batikos at panghuhusga mula sa netizens na nakisawsaw sa isyu.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results