TOTGA cast, nakakaramdam ng separation anxiety sa pagwawakas ng teleserye nila

by Jojo Gabinete
May 17, 2018

Matapos ang 90 episodes, magpapaalam na bukas, May 18, ang The One That Got Away ng GMA-7, kaya nakaramdam ng separation anxiety sina Dennis Trillo, Lovi Poe, Max Collins, at Rhian Ramos.


Sinabi ni Lovi na si Dennis ang mami-miss niya nang husto dahil mapagbigay na co-star ang aktor.

Continue reading below ↓

"He is very tahimik but very giving. Kapag kaeksena mo siya, nagsi-shift siya. Ang galing!

"I’m very happy dahil first time namin ni Dennis na magkaroon ng television project," pahayag ni Lovi.

Deklarasyon naman ni Max, "The friendship and the 'family' we created on set are really special.

"We have a great bond and chemistry that’s hard to find in show business."

Ayon naman kay Rhian, "I’m really happy and flattered dahil na-enjoy ng mga tao ang show.

"Nakakatuwa kasi mas nakaka-inspire na maging creative dahil out-of-the-box ang The One That Got Away."

Para naman kay Dennis, masarap sa pakiramdam na hindi nabalewala ang lahat ng pagod nila.

Natutuwa si Dennis dahil kahit nasa ibang bansa siya, "Liam" ang tawag sa kanya ng mga kababayang nakakasalamuha niya.

Liam ang pangalan ng karakter ni Dennis sa The One That Got Away.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results