Shamcey Supsup, ayaw pakasiguro sa resulta ng ultrasound test ng second pregnancy niya

by Jojo Gabinete
May 17, 2018

Four months pregnant si Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup sa second child nila ng kanyang businessman husband na si Lloyd Lee.



Kinumpirma ni Shamcey ang good news sa opisyal na pagbubukas ng Scott Burger by PNC, ang bagong diner business nila ni Lloyd sa third floor ng cinema area ng Uptown Mall, Taguig City, kahapon, May 16.

Continue reading below ↓

Baby boy ang resulta ng ultrasound test kay Shamcey.

Pero ayaw nitong maniguro na lalaki talaga ang ipinagbubuntis niya dahil baby boy rin ang resulta ng ultrasound test nang magbuntis siya kay Nyke, ang first-born daughter nila ni Lloyd.

Ipinagtapat ni Shamcey na mas madali ngayon ang kanyang pagbubuntis dahil hindi siya nahirapan sa paglilihi kaya nagagampanan niya ang mga responsibilidad sa mga food business nila ni Lloyd.

Dahil architect siya by profession, si Shamcey ang in-charge sa design ng kanilang mga restaurant na Pinoy na Pinoy ang mga concept.

"I do the design, construction, and project management.

"Basta before mag-open yung store, ako ang may hawak niya.

"Kapag na-open na ang store, ibinibigay ko kay Lloyd, so siya sa operation.

"I also handle the marketing side, advertising. I also handle some of the mall relations.

"Pero ako talaga, sa construction," sabi ni Shamcey.

Aminado si Shamcey na grabe siya kung magalit kaya ipinapaubaya niya kay Lloyd ang pakikipag-usap sa mga empleyado nila.

Continue reading below ↓

Natawa si Shamcey nang sabihin nitong takot sa kanya ang lahat ng kanilang mga tauhan kapag nagagalit na siya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results