Love scene nina Anne at Dingdong sa Sid & Aya, "very fresh" ayon sa aktres

"It was very now, very fresh. It was beautifully done by Direk Irene [Villamor]."

Ito ang description ni Anne Curtis sa love scene nila ni Dingdong Dantes sa Sid & Aya (Not A Love Story), ang unang pelikula na sila ang mga bida, makalipas ang 20 taon mula nang magsama sila sa TGIS, ang youth-oriented show ng GMA-7 noong dekada ’90.


Dagdag ni Anne, "I guess, for me, it’s really how Direk Irene chose to attack the love scene.

"Hindi siya yung typical atake siguro ng mga dramatic film."

Maingat na maingat ang Kapamilya actress sa pagsasalita tungkol sa kuwento ng Sid & Aya, kaya lalong naintriga ang mga dumalo sa presscon ng pelikula ng Viva Films na magbubukas sa mga sinehan sa May 30.

Pigil din sa pagkukuwento sina Dingdong at Irene, pero nagbigay ang lady director ng clue tungkol sa plot ng Sid & Aya nang sabihin niyang, "Masarap manggago sa simula, pero hintayin niyo na magago rin kayo…"

May hint din ang title ng pelikula sa plot nito dahil kapag inalis ang ampersand (&) at mabilis na binasa, Sidaya ang bigkas sa pamagat.

Nangangahulugang may dayaan na sangkot sa kuwento ng Sid & Aya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN