Jackie Forster, hindi panonoorin nang live ang royal wedding nina Prince Harry at Meghan Markle

by Jojo Gabinete
May 18, 2018

Inaasahang mahigit sa tatlong bilyon ang bilang ng mga tao sa buong mundo na tututok sa royal wedding nina Prince Harry at Meghan Markle.


Magaganap ang kanilang kasal bukas (May 19, 7 p.m., Philippine time) sa St.George's Chapel, Windsor Castle, Windsor, United Kingdom.

Seven minutes away ang Windsor Castle mula sa bahay na tinitirhan ng pamilya ni Jackie Forster.

Continue reading below ↓

Pero panonoorin nito ang wedding ceremony nina Prince Harry at Meghan sa live telecast dahil wala sa plano niyang makipagsiksikan sa libu-libong tao na gustong makita nang personal ang mga ikakasal at ang mga miyembro ng royal family.

Si Jackie ang nagsilbing correspondent ng Cabinet Files sa wedding rehearsal na naganap kahapon, Huwebes, May 17, at hindi sinasadyang napanood niya.


Continue reading below ↓


Sabi ni Jackie, "I won't watch live. Grabe ang diehards, they are already camping out there. 

"I just passed by yesterday, I didn't know may rehearsals.

"Doon kasi ako tumatambay after taking Michel [her husband] to work or before I pick him up.

"Wala sina Prince Harry and Meghan sa rehearsal, but the roads were closed until afternoon because they did go to the castle afterwards to have tea with the queen."

Ikinuwento ni Jackie na mahigpit na ang security sa paligid ng Windsor Castle at marami na ang roving policemen.

Nakita rin ni Jackie ang mga sniper sa matataas na building at narinig niya ang mahigpit na bilin ng mga pulis sa mga taong bawal maghagis ng mga confetti at bulaklak, for security reason, kapag dumaan bukas ang wedding carriage procession sa ruta nito sa Castle Hill, High Street, Sheet Street, Kings Road, Albert Road, at Long Walk.

Bukod sa Windsor Castle, malapit din ang bahay ni Jackie sa famous River Thames na may breathtaking view.

Continue reading below ↓

"The River Thames along the castle goes to our town. Follow it four minutes then uphill na. Super beautiful," ang kuwento ni Jackie.

Masuwerte raw siya dahil magaganap ang isang royal wedding habang naninirahan sila ng pamilya niya sa London.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results