Teresita Ssen Marquez, leading lady ni Vhong Navarro; PGT finalist, may pelikula na

by Jojo Gabinete
May 19, 2018

Leading lady na si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen "Winwyn" Marquez sa Unli Life, ang upcoming comedy ng Regal Entertainment Inc.

Si Teresita ang lead actress sa comedy movie na pinagbibidahan ni Vhong Navarro.


Ito ang unang pelikula niya mula nang pumirma siya ng exclusive contract sa Regal Entertainment Inc. noong October 2017, ilang linggo bago siya nanalo na Reina Hispanicoamericana sa Santa Cruz, Bolivia.

Continue reading below ↓

Sa interview kay Vhong noong February 2018, ang pangalan ni Miss World 2013 Megan Young ang kanyang sinabi na kapareha niya sa Unli Life.

Pero si Teresita ang final choice bilang lead actress sa movie project na tinatampukan din ni Joey Marquez, ang ama ng reigning Reina Hispanoamericana.

Introducing sa Unli Life ang Pilipinas Got Talent 2018 finalist na si Joven Olvido ng Sta.Cruz, Laguna.


Continue reading below ↓

Nang ipalabas ang teaser ng Unli Life sa red-carpet premiere ng My 2 Mommies noong May 7 sa SM Megamall Cinema, na-excite kaya nagpalakpakan ang audience nang ipakita ang eksena ni Olvido.

Binigyan ng parangal si Olvido sa awards night ng Kesong Puti Festival ng Sta.Cruz, Laguna, noong April 28, 2018.

Ito ay bilang pagkilala ng kanyang mga kababayan sa talent niya sa pagpapatawa na napansin nang sumali siya sa Pilipinas Got Talent.

Unfortunately, hindi personal na natanggap ni Olvido ang parangal dahil busy na siya noon sa paghahanda sa grand finals ng talent search program ng ABS-CBN.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results