Nicole Flores ng Pilipinas, deserving ba sa titulong Super Sireyna Worldwide 2018?

by Jojo Gabinete
May 20, 2018

Kung worldwide na tinutukan ang royal wedding nina Prince Harry at Meghan Markle sa St. George’s Chapel ng Windsor Castle sa United Kingdom, ilan sa mga kapwa natin Pilipino ang hindi masaya sa resulta ng grand finals ng Super Sireyna Worldwide 2018 na naganap sa Eat Bulaga! ngayong Sabado ng hapon.

Si Nicole Guevarra Flores ng Pilipinas ang nanalo ng korona ng Super Sireyna Worldwide 2018, first runner-up niya si Immani Da Silva ng Angola at second runner up si Miranda Lombrado ng Mexico.


Continue reading below ↓


Kahit isang kababayan ang nagwagi ng Super Sireyna Worldwide 2018 beauty title, may mga nagprotesta sa tagumpay ni Nicole dahil napanalunan din nito ang mga special award na Best in Talent at Online Favorite.


Para sa Cabinet Files, hindi nagkamali ang mga hurado ng Super Sireyna Worldwide 2018 sa pagpili kay Nicole dahil bukod sa maganda, hindi siya overconfident tulad ng ibang mga finalist.

Continue reading below ↓

Nakuha rin ni Nicole ang boto ng mga hurado dahil sa kanyang mahusay na sagot sa tanong na “What has been the proudest moment of your life?”

Ayon kay Nicole, “The proudest moment of my life is that being a Filipino.

"As a Filipino, I know that I am ‘la raza valiente.’

“'La Raza Valiente' means ‘lahing walang sinusukuan.’

"Even we got colonized for a long years, we Filipinos are still fighting for our rights for freedom. We do not know the word ‘giving up’.

"Sa isip, sa salita at sa gawa, ako ay Pilipino. Taas-noo kahit kanino."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results