Nora Aunor, walang sariling kopya ng 30-plus na pelikulang iprinodyus ng NV Productions

by Jojo Gabinete
May 21, 2018

Ngayon, May 21, ang 65th birthday ni Nora Aunor.

Pero umuwi sa Bicol ang Superstar kaya hindi umaasa ang loyal supporters niyang magkakaroon siya ng birthday celebration.


Nagsimula ang showbiz career ni Nora noong 12 years old pa lamang siya, kaya alam ng lahat ng mga sumusubaybay sa buhay niya ang kanyang ugali.

Continue reading below ↓

Aminado ang multi-awarded actress na may isang ugali siyang madalas nagpapahamak sa kanya—ang sobrang tiwala niya sa kapwa.

“Yun ang hindi ko maitago talaga. Medyo nagdudunung-dunungan ako sa umpisa, ang suma-total, maaawa na naman ako sa tao, balik na naman sa dati.

"Ewan ko, hindi na talaga ako natuto,” ang pag-amin ni Nora na madalas na biktima ng mga mapagsamantala.

Sinubukan noon ni Nora na mag-produce ng pelikula sa pamamagitan ng kanyang film outfit, ang NV Productions.

Mahigit sa 30 ang bilang ng pelikulang ginawa ng NV Productions at ni isang kopya, wala sa kamay ni Nora.

"Naibenta nga yung iba nang hindi ko alam, e.

"Yun ang masaklap, merong tao na nakakuha ng kopya at sila ang nagbenta.

"Mga 30-plus din ang nagawa ng NV Productions," ang pagtatapat ni Nora.

Wala naman daw siyang planong magsampa ng kaso dahil walang nangyari sa reklamo niya noon.

“Demanda na naman yun. Ayoko na yun. Hayaan na lang natin.

Continue reading below ↓

"Alam mo ang mga tao na gumagawa nang ganoon, minsan wala na ring kahihiyan.

“Andoon na sa kanila [ang kopya ng mga pelikula].

"May isang tao na wala sa industriya ang nakakuha ng kopya.

"Yung mga iyon, ang hanap nila, kumita lang sila sa pamamagitan ng panloloko nila sa kapwa. Wala ngang respeto.

"May isa akong tinawagan na hindi ko tinigilan, yung bumili ng Bona.

"Hindi nila sinasagot yung phone, pinapuntahan ko pa yung bahay nila, wala talaga.

"Hindi naman habambuhay, hahabulin mo sila. Kung ayaw nila, bahala na lang ang Diyos sa kanila.

"Wala naman talaga akong lawyer. May kinausap ako noon na abogado, hindi rin ako natulungan, gumastos lang ako,” ang himutok ng lead actress ng Onanay, ang upcoming prime time teleserye ng GMA 7.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results