Ginawa nang hobby ng aspiring beauty queens ang pagsali sa mga beauty contest kaya inaasahan ang paglahok sa Miss Manila 2018 ng mga talunang kandidata ng Binibining Pilipinas, Miss Earth Philippines, Mutya ng Pilipinas, at Miss World Philippines.
Ang Miss Manila ang joint project ng City of Manila at ng MARE Foundation Inc., ang non-profit institution na pinamumunuan ni Jackie Ejercito, anak ni incumbent Manila City Mayor Joseph Estrada.
One million pesos worth of prizes (management contract at P500,000 in cash) ang matatanggap ng mananalo na Miss Manila 2018 title sa coronation night na magaganap sa June 26 sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center.
Free of charge ang application form para sa Miss Manila 2018 na puwedeng kunin sa Tourism Office ng Manila City Hall o i-download mula sa website ng Miss Manila, ang www.missmanila.com.
Sa May 29 ang deadline ng submission ng application at para sa ibang mga impormasyon, maaaring tumawag at magtanong sa landline number 687-5853 local 657 at 0917-844-1145.