Janella Salvador at Jameson Blake, mas malakas ang chemistry kumpara sa ElNella

by Jojo Gabinete
May 21, 2018

Nagkaroon ng press preview ang So Connected ng Regal Entertainment, Inc. sa Platinum Cinema ng Gateway Mall ngayong hapon, May 21.

Pero sumaglit lang ang mga bidang sina Janella Salvador at Jameson Blake dahil mas gusto nilang panoorin ang kabuuan ng kanilang pelikula sa red-carpet premiere na magaganap sa SM Megamall Cinema bukas, May 22.


Continue reading below ↓

Bago inumpisahan ang screening ng So Connected, pinasalamatan nina Janella at Jameson ang entertainment press dahil sa suportang ibinibigay sa kanilang pelikula.

Kapwa rin ipinahayag ng dalawa ang magkahalong kaba at excitement na nararamdaman.

Bitbit ni Jameson sa preview ng So Connected si Panti-Panti, ang purple stuffed elephant toy na malaki ang participation sa kuwento ng pelikula ng Regal na mapapanood sa mga sinehan simula sa May 23.

Dahil umalis agad sina Jameson at Janella, hindi na nila narinig ang mga komento tungkol sa kanilang strong on-screen chemistry at mahusay na pagganap sa pelikulang kinunan ang mga eksena sa Angeles City, Pampanga, Corregidor Island, at Paete, Laguna.

Hindi naman siguro mamasamain ni Janella at ng ElNella fans ang opinyon at obserbasyon na mas malakas ang chemistry nila ni Jameson kesa sa chemistry niya at ng kanyang rumored boyfriend na si Elmo Magalona.

Si Jason Paul Laxamana ang sumulat ng kuwento at direktor ng So Connected.

Continue reading below ↓

Once again, pinatunayan ni Jason ang husay niya sa paggawa ng mga romantic-drama movie.

Maraming mga kabataan ang makaka-relate at kikiligin sa kuwento ng So Connected dahil ang mga sarili ang makikita nila sa mga karakter na ginagampanan nina Janella at Jameson.

Ang performance ni Jameson sa So Connected ang hudyat na siya na ang next important leading man at handa na ang young actor na tumanggap ng mga challenging role, sa telebisyon at pelikula.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results