Veteran actor Eddie Garcia, nabiktima na naman ng death hoax

For the nth time, biktima ng fake news ang award-winning respected veteran actor na si Eddie Garcia.

Kumalat kagabi, May 21, ang balitang pumanaw ang octogenarian actor.

Pero kaninang umaga lang, May 22, nakumpirmang walang katotohanan ang tsismis dahil nasa shooting si Manoy Eddie.

Hindi ito ang unang pagkakataong napabalita na sumakabilang-buhay ang respetadong aktor dahil noong 2012, naging biktima rin siya ng fake news.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang interbyu noong September 2012, buong tapang na hinarap ni Eddie ang tsismis tungkol sa "pagpanaw" niya.

"Ako kasi, pag namatay ako, wala nang makakaalam, e.

"Gusto ko from death bed, diretso sa crematorium, 'tapos may kaibigan akong piloto, itatapon yung ashes ko sa dagat, sa Manila Bay.

"That's it. No obituaries.

"It's not a joke. I already paid for my cremation. A

"yoko ng fanfare, e. Tutal ganun lang iyan, after your death, pagkakaguluhan ka.

"After a year, wala na, so what's the use?" ang realistic na pahayag ni Eddie.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close