Pepito Vera-Perez, ama ni Lander Vera-Perez at stepfather ni Charlene Gonzalez, pumanaw na

by Jojo Gabinete
May 23, 2018

Binawian ng buhay si Pepito Vera-Perez kaninang umaga, May 23.

Si Pepito ang ama ng aktor na si Lander Vera-Perez at stepfather nina Charlene Gonzalez at Richard Bonnin.


Maluwag na tinanggap ng pamilya Vera-Perez ang pagpanaw ng pangalawang anak ng Sampaguita Pictures producers na sina Dr. Jose Perez at Azucena Vera-Perez dahil walong taon na ang nakalilipas mula nang magkaroon siya ng stroke.

Continue reading below ↓

Ibuburol ang labi ng 74-year-old father ni Lander sa Faith Chapel ng Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Bukod sa kanyang mga anak, naulila ni Pepito ang kanyang mga kapatid na sina Marichu, Gina De Venecia, Lilibeth Nakpil, Chona Ampil, at Jose Gregorio.


"Kaming dalawa ang close talaga,” ang pahayag ni Manay Ichu (Marichu Vera-Perez Maceda) sa Cabinet Files.

Continue reading below ↓

“He was sick for eight years kaya maluwag kong tinanggap ang pagkawala niya,” ang sabi ni Manay Ichu tungkol sa kanyang pumanaw na kapatid.

Naranasan ding mag-artista ni Pepito at napanood noon sa mga pelikula ng Sampaguita Pictures: Inday, Palalayasin Kita, Show of Shows, Mga Kanyon sa Corregidor, Tres Ojos, at Pamilya.


Continue reading below ↓

Pepito Vera Perez (center) with Rosemarie Sonora and Eddie Gutierrez while filming a movie in New York in the '60s

Bukod sa pag-arte, may talent din sa pagsusulat si Pepito.

Siya ang sumulat ng kuwento ng ilang mga pelikula ng kanilang movie company: James Batman, Anak ni Kamagong, Magkakapatid na Waray, Kumander Judo, Detektib Kalog, Sweet Valentine’s, at Sandwich Shindig.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results