Sharon Cuneta, tuloy ang 40th anniversary concert; Gabby Concepcion, manood kaya?

by Jojo Gabinete
May 23, 2018

Wala nang atrasan ang 40th anniversary concert ni Sharon Cuneta dahil nakareserba na ang Smart Araneta Coliseum para sa Big One, ang two-night concert niya sa September 28 at September 29, 2018.


Kinumpirma ng isang insider mula sa Smart Araneta Coliseum na tuloy na tuloy na ang concert ni Sharon na pinaghahandaan nito nang husto.

Continue reading below ↓

Unang ni-reveal ni Sharon ang kanyang pinaplanong 40th anniversary show noong February 2018.

Sinabi ng Megastar na ang Big One ang pinakamalaki at pinakamahirap na concert na gagawin niya.

May soft spot sa puso ni Sharon ang Araneta Coliseum dahil ito rin ang venue ng kanyang first-ever two-night major concert noong July 20, 1984 at July 21,1984—ang Sharon, Solo with the Boys.

Memorable kay Sharon ang dress rehearsals niya sa Araneta Coliseum para sa Sharon, Solo with the Boys dahil dito nag-propose noon ng kasal ang kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion.

Pinanood ni Gabby ang unang major concert ni Sharon sa Big Dome noong 1984, at pagkalipas ng isang araw, lihim na nagpakasal ang dalawa (civil wedding) noong July 23, 1984.

Sinundan ito ng church wedding sa Manila Cathedral noong September 23, 1984.

Public knowledge na may hidwaan ngayon sina Sharon at Gabby, pero umaasa ang loyal fans nila na magkakasundo ang dalawa at panonoorin ng aktor ang 40th anniversary concert ng ex-wife niya.

Continue reading below ↓

Tila imposible nang matupad ang hiling ng Gabby-Sharon fans dahil, reportedly, nagsalita ang aktor na okey na okey na ngayon ang takbo ng buhay niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results