Ang Misyon ni Martin Escudero, naunahan ang planong Marawi movie nina Piolo at Robin

by Jojo Gabinete
May 25, 2018

Ginunita noong Miyerkules, May 23, ang unang anibersaryo ng Battle of Marawi.

Maraming buhay ang nasayang sa giyera na tumagal ng limang buwan at kinikilala bilang longest urban battle sa modern history ng Pilipinas.

Personal na nagpunta sina Mike Enriquez ng 24 Oras ng GMA-7 at si Noli de Castro ng TV Patrol ng ABS-CBN sa Marawi noong Miyerkules para sa live newscast nila sa unang anibersaryo ng Battle of Marawi.


Continue reading below ↓

Sa May 30 naman ang playdate ng Ang Misyon: A Marawi Siege Story, ang pelikulang tribute ng GreatCzar Media Productions at ng Star Cinema sa mga bayani ng Marawi.

Si Martin Escudero ang lead actor ng Ang Misyon.

Registered nurse na miyembro ng extremist group ang role niya sa unang pelikula tungkol sa giyera sa Marawi.

Continue reading below ↓



Ayon kay Martin, halaw sa tunay na buhay ang kuwento ng Ang Misyon at tatalakayin sa pelikula ang maraming pangyayari sa Marawi na hindi nalaman ng publiko o lumabas sa media.

Sampung araw na nag-shooting si Martin para sa mga eksena nito sa pelikula na kinunan sa Zambales, Quiapo, at sa labas ng Marawi kaya maraming aral ang natutunan niya.

“Nalaman ko ang totoong pagmamahal sa sarili, sa kapwa, ang importansiya ng misyon natin dito sa mundo at ang paninindigan sa ating mga ipinaglalaban habang ginagawa namin ang pelikula," pahayag ni Martin sa Cabinet Files tungkol sa Ang Misyon.

Naunahan ng Ang Misyon ang mga pelikula tungkol sa Marawi siege na pinaplano nina Piolo Pascual, Robin Padilla, at ng direktor na si Joyce Bernal.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results