Kris Bernal, bagong dagdag na cast member sa The Cure

by Jojo Gabinete
May 25, 2018

Sina Kris Bernal at Matt Evans ang mga bagong cast member ng The Cure, ang prime time television series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Tom Rodriguez at Jennylyn Mercado.

Si Kris ang bida ng Impostora, isa sa mga top-rating afternoon drama series ng Kapuso Network na nagwakas noong February 9, 2018.

Hindi pa nabibigyan ng bagong television series si Kris na ito ang lead actress mula nang matapos ang Impostora kaya inilagay muna siya sa The Cure.


Continue reading below ↓

Hopefully, makatulong ang special participation ni Kris para lalong madagdagan ang interes ng televiewers sa suspense/drama/ thriller series ng Kapuso Network.

Kahit magiging busy siya sa taping ng The Cure, may oras pa rin si Kris sa pamamahala sa kanyang restaurant, ang MeatKris.

Ibinalita rin ni Kris na magbubukas uli siya ng bagong restaurant na Korean-culture inspired dahil ito ang in demand ngayon sa mga Pilipino.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results