Martin Escudero, "pinakamagaling na aktor sa movie industry," ayon kay Direk Ceasar Soriano

by Jojo Gabinete
May 26, 2018

Ang former ABS-CBN news reporter na si Ceasar Soriano ang direktor at producer ng Ang Misyon: A Marawi Siege Story, ang pelikula na tribute sa mga bayani at biktima ng Battle of Marawi.

Hindi lamang direktor at producer ng Ang Misyon si Soriano dahil artista rin siya ng pelikula niya na ire-release ng Star Cinema sa mga sinehan sa May 30.

Si Soriano ang pumili kay Martin Escudero bilang bida ng Ang Misyon pero ipinagtapat niya na third choice ang aktor para sa lead role dahil busy sa ibang commitment ang original choice.

“Actually, third choice si Martin. Hindi kami magkakilala, somebody recommended, 'Why not try Martin?'

“Nakita ko, ang galing. Ito lang ang sasabihin ko, para sa akin, siya na pinakamagaling na aktor sa movie industry natin,” ang sabi ni Soriano tungkol kay Martin na namula ang mukha dahil sa narinig na papuri.


Continue reading below ↓

Sa tunay na buhay, kidnap victim si Soriano ng mga Abu Sayyaf kaya may sapat na kaalaman siya tungkol sa mga kaguluhan na nangyayari sa Mindanao.

Year 1993 nang kidnapin si Soriano ng mga miyembro ng Abu Sayyaf dahil nagpunta siya sa Patikul, Sulu para i-cover ang pagkidnap sa American missionary na si Charles Watson.

“Kailangang ma-release si Charles Watson pero ang nangyari, pumunta si dating Vice President Joseph Estrada sa Mindanao para i-solve yung crisis. He declared a news blackout.

“As a reporter, napakasakit po, ayaw namin ng news blackout because may quota kami everyday na istorya sa desk namin.

“So ano ang gagawin namin? Wala kaming istorya, wala kaming kuwentang reporter.

"At the time, I was so young, and when you’re young, you’re very aggressive. Gusto mo i-please yung boss mo.

“Hinanap namin yung Abu Sayyaf. Hinanap namin yung kumidnap. Dumating kami sa Patikul, Sulu, yun na, nasalubong namin sila. Nung sinalubong kami, sinaktan ako, sinipa-sipa ako.Talagang nasaktan ako, hindi na kami pinauwi.

Continue reading below ↓

“Ang akala ko, sa matagal na panahon na nandoon kami, akala ko, pupugutan na kami ng ulo.

"Sumulat na ako ng letter sa mother ko, salamat sa lahat, sa pagpapalaki sa akin…

“Pero sa istratehiya namin na sino ang magko-cover kung ma-release ito, kasi may negotiation at the time.

“So, sinabihan ko yung Abu Sayyaf, ‘Sino ang magko-cover nito e kung i-release yung Amerikano, sayang naman. Di ba gusto niyo na ma-televise?’

“So, nagkaroon sila ng idea, ‘Sige i-release na natin ang mga ito para ma-cover tayo. Magandang balita,’” ang kuwento ni Soriano tungkol sa karanasan niya bilang kidnap victim.

Bukod sa dating reporter siya ng ABS-CBN, matagal na naglingkod si Soriano bilang alkalde ng Siocon, Zamboanga del Norte mula 1998 hanggang 2013.

Read Next
Read More Stories About
Martin Escudero, cabinet files
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results