Brunei businesswoman vs Brunei beauties

Noong 1993, naging national news ang mga aktres na nagpupunta sa Brunei para magtrabaho bilang mga “entertainer” sa palasyo ng Sultan ng Brunei.

Binansagang mga Bruneiyuki ang mga aktres na pinaghihinalaan na bumisita, namalagi nang matagal, at kumita ng limpak-limpak na salapi sa Brunei.

Lalong lumaki ang isyu tungkol sa Bruneiyuki scandal nang magkaroon ng Senate inquiry noong 1994, sa pangugunguna ni late Senator Ernesto Maceda.

Ito rin ang naging dahilan para magkaroon ng batas laban sa prostitution at trafficking, ang Anti-trafficking in Persons Act of 2003 (Republic Act no. 9208).

Twenty five years later, muling naging headline ng mga balita ang Brunei dahil sa estafa case na isinampa ng Lord of Scents na si Joel Cruz laban sa Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya.

Nagsampa ng reklamo si Cruz dahil nag-invest ito sa mga negosyo ni Dupaya pero hindi natupad ang pangako ng businesswoman na ibalik ang kanyang puhunan at ang napagkasunduan na interes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Forty million pesos (hindi pa kasama ang interes) ang halagang sinisingil ni Cruz mula kay Dupaya na nangako na babayaran ang mga obligasyon kapag naaprubahan ang kanyang loan.

Hindi nag-iisa si Cruz dahil may mga aktres na nagrereklamo na may utang rin sa kanila si Dupaya at humarap sila kahapon sa presscon na ginanap sa Tagaytay home ng Lord of Scents.

Kung Bruneiyuki ang bansag sa mga aktres na nasangkot sa Brunei scandal noong 1993, Brunei beauties naman ang tawag sa mga aktres na naghahabol kay Dupaya para mabawi ang kanilang hard-earned money.

Sina Dianne Medina, Sunshine Cruz at Ynez Veneracion ang ilan sa mga aktres na umaasa na maibabalik ang mga pera nila na ipinagkatiwala kay Dupaya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reportedly, kasama rin si Ara Mina sa mga naghahabol kay Dupaya pero hindi pa kasama ang pangalan niya sa listahan ng mga complainants.

Sina Dianne, Sunshine, Ynez, Ara, Megan Young, Maxine Medina at Pia Wurtzbach ang ilan sa mga showbiz personalities na inimbitahan ni Dupaya na magbakasyon sa Brunei nang libre.

Kasama ni Pia na nagbakasyon sa Brunei noong February 2017 ang kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang fiancée na si Rodjun Cruz ang companion ni Dianne, ang ex-boyfriend na si Marx Topacio ang escort ni Maxine, at ang boyfriend na si Macky Mathay ang kasama ni Sunshine sa Brunei vacation nila noong nakaraang taon.

Sa mga celebrities na inimbitahan ni Dupaya sa Brunei, si Pia ang unang biktima ng kanyang social media rants noong April 2017.

Tinawag na hayop ni Dupaya si Pia at pinaratangan na walang utang na loob dahil hindi sinipot ng former Miss Universe ang pagbubukas ng spa business niya sa Brunei.

Isinumbat din ni Dupaya kay Pia ang mga ginastos niya sa beauty queen at sa pamilya ng boyfriend nito nang magbakasyon sila sa Brunei.

Pinatunayan ni Pia ang pagiging Miss Universe niya dahil hindi niya pinatulan at pinag-aksayahan ng panahon ang mga paninira ni Dupaya. Such a class act.

Natapos ang isyu dahil si Dupaya rin ang humingi ng paumanhin kay Pia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi niya na miscommunication lang daw ang nangyari.

Hindi natapos kay Pia ang pag-e-eskandalo ni Dupaya sa mga aktres na dinala niya sa Brunei, dahil ang social media rin ang kanyang ginamit para sumbatan, siraan, at hiyain ang mga showbiz personalities na binabawi ang mga investment nila sa negosyo ng businesswoman.

Lumalabas na si Pia ang pinaka-wise dahil hindi siya nag-invest sa mga negosyo ng Brunei-based businesswoman.

Hindi rin siya napilit na sumipot sa meet-and-greet dahil labag ito sa kontrata niya sa IMG.

Sa laki ng halaga ng mga perang ipinagkatiwala ng mga aktres kay Dupaya, lumalabas na parang binayaran din nila ang “all-expense-paid vacation” nila noon sa Brunei.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close