Rhian Ramos, bakit dinedma ang Cannes Film Festival?

by Jojo Gabinete
May 27, 2018

May paliwanag si Rhian Ramos tungkol sa desisyon niyang piliin ang pagdalo sa isang family event, ang 10th wedding anniversary celebration ng kanyang ama at stepmother sa Thailand, kesa dumalo sa nakaraang 71st annual Cannes Film Festival.

Dahil nga sa kanyang desisyon ay nawala ang pagkakataon niyang makapaglakad sa red carpet ng isa sa mga prestigious film festivals sa buong mundo kunsaan kasali ang kanyang pelikula, ang The Trigonal.

“It’s my first time for one of my movies to be included in Cannes and it’s very exciting so I’m so happy to be a part of it.

“At the same time, though, I had a family event on exactly the same day and growing up, I’ve always been the type of person that has been excited about work and my job na yung nangyari sa akin, pinipili ko lagi yung work above anything, even family.

“I just wanted to make sure that family comes first.

Continue reading below ↓

“I realized what I was doing and I wanted to tell myself na, 'Okey, no matter what it is, family has to come first.'

“So, if it’s a choice between a family event and work, and if I’ve given my word that I’m gonna be there, I should choose that,” ang sabi ni Rhian na naniniwalang darating din naman ulit ang araw na magiging bahagi pa rin siya ng Cannes Film Festival.

At dahil nga sa kabutihan ng Diyos ay hindi pa rin nawawalan si Rhian ng mga biyayang pinagkakaloob sa kanya, tulad ng bagong endorsement niya bilang brand ambassadress ng M&Co. Cosmetics na pag-aari ng businesswoman na si Alexandra Roque.


Continue reading below ↓

Ayon kay Roque, personal choice niya si Rhian bilang celebrity endorser ng M&Co. Cosmetics dahil bata pa lang siya, pinapanood na niya ang aktres sa Captain Barbell ng GMA 7.

“We chose Rhian because her personality really fits the brand.

“She’s a very confident woman, very beautiful. Even her inner beauty, maganda rin.

“She would really be a good role model to other girls.

“She’s a very accomplished woman in her own right through her own hard work,” sabi ni Roque tungkol kay Rhian.

Opisyal na ipinakilala kagabi si Rhian bilang ambassador ng M&Co. Cosmetics sa Grand Ballroom ng City of Dreams, at dito niya ipinagtapat ang tungkol sa kanyang skin problem.

Inamin ni Rhian na meron pa la siyang Rosacea (redness of the face which is a common, chronic, incurable adult acne-like skin condition).

Lahad niya, “I have a skin problem called Rosacea [pronounced ro-ZAY-sha] which makes me look very red all the time.

Continue reading below ↓

“I easily get red blotches on my face, so I usually have a little bit of concealer for that.

“I’m using the natural silk shade of M&Co. liquid foundation.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results