Anne Curtis, nakilala ang anak ng dating suki niya ng taho

by Jojo Gabinete
May 28, 2018

Ayaw magpainterbyu ni Cynrie Adap sa Cabinet Files tungkol sa chance encounter nila ni Anne Curtis.

Katuwiran niya, nahihiya siya at busy sa paghahanapbuhay para sa kanyang mga anak.

Kilala si Cynrie sa Barangka, Mandaluyong City bilang si Sendong, ang anak ni Mang Bunggoy na magtataho na suki ni Anne noong bata pa ito at nakatira sa naturang lugar.

Sumakabilang-buhay si Mang Bunggoy noong 2015 dahil sa emphysema kaya minana ni Sendong ang pagtitinda ng taho.

Nag-taping si Anne para sa isang episode ng Magandang Buhay, ang morning show ng ABS CBN at para i-promote ang Sid & Aya (Not A Love Story) kaya dinala siya ng staff ng programa sa dating lugar na tinitirhan ng pamilya niya.

Dito sila nagtagpo ni Sendong na miyembro ng Tropang Balibag.

Nag-post si Anne sa Instagram account nito tungkol sa pagkikita nila ni Sendong at sa fond memories niya tungkol sa halos araw-araw na pagbili noon ng taho mula kay Mang Bunggoy.

Continue reading below ↓

“Ang saaaaarap ng taho. Sakto at parehas din ang timpla ng Kay Mang Boy [Bunggoy].

"Thank you, Magandang Buhay, for bringing me back sa kabataan ko,” ang bahagi ng Instagram post ni Anne.

Hindi nahirapan ang Cabinet Files na hanapin si Sendong, pero hindi namin ito nakumbinsi agad na magpainterbyu dahil nahihiya siya.

Ipinaliwanag namin kay Sendong na inspiring story at dapat ibahagi sa lahat ang hindi inaasahan na pagkikita nila ni Anne.

Napapayag ng Cabinet Files si Sendong na magsalita nang sabihin naming tribute na rin ito para sa kanyang pumanaw na ama.

Kuwento ni Sendong, “Yung tatay ko po ang suki ni Anne sa taho.

"Bata pa lang si Anne, kilala na siya ng tatay ko.

"Minsan ko lang nakita si Anne na bumili ng taho sa tatay ko, sumasama pa ako noon kay Tatay.

"Dati sa Barangka kami nakatira, sa hilaga. Ngayon, sa COA na ako nakatira.

Continue reading below ↓

"Si Jasmine [Anne’s younger sister] lang ang naabutan ko, si Anne kasi lumipat na yata noon ng bahay.

"Madalas ikuwento sa akin ni Tatay si Anne at ang nanay niya, si Aling Carmen.

"Ngayon ko na lang uli nakita si Anne, malaki na siya.

"E, dati hindi pa naman siya sikat noon. Sa GMA 7 pa siya artista noon."

Mensahe pa niya para kay Anne, "Sana maging masaya siya sa buhay may-asawa at humaba pa ang buhay niya para mas marami pa siyang mapasaya na mga tao."

Isa itong patunay na hindi pa rin nakakalimutan ni Anne ang kanyang pinagmulan at hindi nakakalimot sa mga taong naging bahagi ng buhay niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results