Premiere night ng pelikula nina Anne at Dingdong, dinaluhan nina Angel at Marian

Star-studded at isang family event ang red-carpet premiere ng Sid & Aya (Not A Love Story) na ginanap sa Cinema 7 ng TriNoMa nitong Lunes ng gabi, May 28.

Sina Dingdong Dantes at Anne Curtis ang lead stars ng Sid & Aya kaya sinuportahan ng kanilang mga pamilya at kaibigan ang kanilang unang pagtatambal sa pelikula ng Viva Films.

Dumalo sa premiere night si Marian Rivera, ang ina at mga kapatid ni Dingdong.

Hindi nakalimutan ni Dingdong na pasalamatan ang pagdalo ng kanyang mga kaklase sa University of the Philippines nang hingan siya ng mensahe bago nagsimula ang screening.

Ang kapatid na si Jasmine Curtis Smith, ang sister in-law na si Solenn Heussaff, at ang kaibigan at It’s Showtime co-host na si Vice Ganda ang mga sumuporta naman kay Anne.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Present din sa red-carpet premiere sina Hayden Kho Jr., Raymond Gutierrez, Liz Uy, Bubbles Paraiso, at Gabby Eigenmann na may special and memorable participation sa pelikula.

Joint venture ng Viva Films at ng N2 Productions ni Neil Arce ang Dingdong-Anne starrer kaya full support ang ibinigay ni Angel Locsin sa kanyang movie-producer boyfriend.

Madilim na sa loob ng sinehan at tapos na ang pagpapakilala kina Dingdong, Anne at sa direktor na si Irene Villamor nang dumating si Angel, kaya parang sinadya nitong huwag makaagaw ng atensiyon sa mga bida ng pelikula.

Isang romantic drama love story movie ang Sid & Aya, pero may dahilan kaya paulit-ulit na sinasabi nina Anne at Dingdong na hindi love story ang kanilang movie project.

Maraming beses naming napanood ang  Pretty Woman kaya ito ang pumasok sa aming isip habang pinapanood ang Sid & Aya, na tila Filipino at modern version ng monster hit movie nina Richard Gere at Julia Roberts noong 1990.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fact, may mga eksena ang Sid & Aya na hawig sa Pretty Woman na tiyak na magpapakilig sa moviegoers.

Sa isang eksena, binanggit ng karakter ni Josef Elizalde na parang Pretty Woman si Aya, ang papel na binigyang-buhay ni Anne.

Nang matapos ang screening ng Sid & Aya, nagpalakpakan ang mga manonood na nagustuhan ang kuwento ng pelikula nina Anne at Dingdong na magbubukas sa halos 200 cinemas nationwide sa May 30.

Kasado na rin ang international screening ng Sid & Aya sa Singapore, Hong Kong, Middle East, at Amerika sa unang linggo ng June kaya tuwang-tuwa ang mga producer ng pelikula.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close