Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Ara Mina, may "admission video" sa fiancée ng government official?

by Jojo Gabinete
May 30, 2018

"Foolish Heart" ang sinasabing duet song ni Ara Mina at ng dating kaibigan niya nang hindi sinasadyang madiskubre ng huli ang alleged secret relationship ng aktres sa kanyang fiancé na government official.


Sa report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, nangyari umano ang insidente sa birthday celebration ni Ara noong May 9.

Continue reading below ↓

Allegedly, biglang pumasok ang self-incriminating text message ng government official para kay Ara habang binabasa ng fiancée niya ang lyrics ng "Foolish Heart" mula sa cell phone ng aktres.

Kumakalat ang balita na, diumano, may “admission video” si Ara habang nag-uusap sila sa loob ng sasakyan ng dating kaibigan niya matapos mangyari ang insidente.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May balita ring hindi na matutuloy ang pagpapakasal ng government official at ng kanyang fiancée dahil nasaktan nang todo ang huli kaya umatras na sa kanilang plano.

Kahit may mga lumalabas na mga bagong impormasyon tungkol sa controversial incident, inaasahang may closure na ito dahil tinapos na ni Ara ang isyu sa pamamagitan ng kanyang denial na inilabas kagabi ng PEP.ph.

“Walang ganyang pangyayari at “Wag nang idamay yung mga tao sa ganito” ang pagtanggi at pakiusap ni Ara.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results