Kylie Verzosa, umani ng papuri dahil sa pagganap niya sa Kasal

Hindi pa napapanood ni Miss International 2016 Kylie Verzosa ang Kasal, pero nakakatanggap siya ng mga papuri dahil sa performance niya sa pelikula ng Star Cinema.


Ang shooting ng Abay Babes ng Viva Films ang dahilan kaya walang oras si Kylie pero libre siya bukas, May 31, kaya plano ng former beauty queen na panoorin ang second movie niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve been getting a lot of comments from my closest friends, social media, siyempre yung family, so I’m really happy,”  sabi ni Kylie nang makausap siya ng Cabinet Files sa contract signing niya bilang celebrity endorser ng Thai Royal Spa kahapon, May 29.

“It’s my second film and all these things mean a lot to me.

"Bago pa lang ako, all the good comments, I can use to build my confidence.

“Sa Abay Babes, comedy naman siya. Mas malaki ang role ko. Ibang side ng Kylie ang makikita ninyo.

"Kung sa Kasal, ibang side ng Kylie ang nakita niyo, sa Abay Babes, medyo deglamorized ako pero mas challenging siya sa akin," ani Kylie.

Natawa ang beauty queen sa obserbasyon ng Cabinet Files na nalilinya siya sa mga pelikulang may kinalaman at koneksiyon ang kuwento sa kasal.

Incidentally, nagpapasalamat si Kylie sa bagong endorsement niya bilang ambassador ng Thai Royal Spa dahil "In line" ito sa kanyang values.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lahat ng endorsements na ino-offer sa akin, ina-accept namin.

"We choose kung ano ang gusto namin o pasok sa branding," paliwanag ng former Miss International.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close