Yasmien Kurdi at mister, di nagpunta sa Hong Kong wedding nina Rich Asuncion at Benjamin Mudie

by Jojo Gabinete
May 31, 2018

Si Yasmien Kurdi at ang kanyang pilot husband na si Rey Soldevilla Jr.ang "matchmakers" kaya nakilala ng rugby player na si Benjamin Mudie si Rich Asuncion.


Ikinasal sina Benjamin at Rich sa Hong Kong noong Linggo,May 27, 2018.


Continue reading below ↓

Imbitado sina Yasmien at Rey sa Hong Kong wedding nina Rich at Benj, pero hindi nakarating ang mag-asawa.

Nabago kasi ang original plan na pagpapakasal ng dalawa noong April 28, 2018.

"Hindi kami nakapunta kasi si Rey, may schedule.

"Dapat noong April 28 ang kasal kaya naka-block off na ang schedule namin ni Rey, pero hindi natuloy dahil ginawa na May 27.

"So, nung gusto na naming humingi ng leave, bitin na rin at nag-expire na rin ang passport ko kaya kailangan ko na magpa-renew muna," ang paliwanag ni Yasmien tungkol sa no-show nila ng kanyang asawa sa Hong Kong nuptial nina Rich at Benj.

Former neighbor nina Yasmien at Rey si Benj sa condominium building sa Taguig City na tinitirhan nila.

Heartbroken noon si Benj kaya nagtanong siya sa mag-asawa ng “Where can I find a decent girl?”

Si Rich, na co-star noon ni Yasmien sa Yagit (2014 afternoon drama series ng GMA-7), ang naisip ni Yasmien na blind date ng rugby player sa premiere ng isang Hollywood movie.

Continue reading below ↓

The rest is history.

Sinabi ni Yasmien na bukod sa pagpapakasal sa Hong Kong, may balak sina Rich at Benj na pabasbasan sa isang simbahan sa Pilipinas ang pagsasama nila.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results