Maine Mendoza, kumpirmadong gagawa ng pelikula ngayong 2018

by Jojo Gabinete
Jun 1, 2018

May dapat ikatuwa ang avid fans ni Maine Mendoza dahil tiyak na may gagawin itong pelikula bago matapos ang 2018.

Kinumpirma ng talent manager na si Rams David ngayong gabi, June 1, na magkakaroon ng pelikula si Maine.

Pero hindi pa niya sinabi ang kumpletong detalye.


Tiniyak ni Rams na magkakaroon siya ng official announcement kapag kasado na ang movie project ng talented TV host-actress.

Continue reading below ↓

Kahit walang ibinigay si Rams na impormasyon, may idea ang Cabinet Files tungkol sa pelikulang pinaplano para kay Maine.

Kapag natuloy ito, imposibleng hindi pag-usapan at maging maingay.

Incidentally, mataas ang rating ng guesting ni Maine sa episode ng Daig Kayo ng Lola Ko noong nakaraang Linggo, kaya iniisip ng GMA-7 na bigyan ng bagong TV assignment ang Kapuso star.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results