Bela Padilla at JC Santos, balik-tambalan pagkatapos ng hit movie nila

Lilipad ngayong weekend sa Hawaii sina Bela Padilla, JC Santos, at ang direktor na si Jason Paul Laxamana para sa shooting ng The Day After Valentine's ng Viva Films.

Ang The Day After Valentine' s ang second movie team-up nina JC at Bela na unang nagtambal sa 100 Tula Para Kay Stella, ang blockbuster movie na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino noong 2017.


Kung si JC ang masusunod, gusto niyang maging official entry uli sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa August 2018 ang The Day After Valentine's.

Ito ay dahil sa magandang resulta sa box office ng 100 Tula Para Kay Stella na topgrosser ng film festival ng Film Development Council of the Philippines noong nakaraang taon.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN