Vice Ganda at Cory Vidanes, may hidwaan dahil sa AlDub?

Kumalat kagabi, June 1, ang balitang may "feud" si Vice Ganda at ang Chief Operating Officer ng ABS-CBN na si Cory Vidanes.

Kaya may mga nagtatanong tungkol sa ugat ng diumano'y misunderstanding ng dalawa.


IMAGE Courtesy of ABS-CBN

Hindi naniniwala ang Cabinet Files na may tampuhan sina Vice at Cory dahil posibleng binigyan lamang ng kahulugan ang mga sinabi ng television host-comedian sa It's Showtime kahapon.

Gaya ng dati, nasa playful mood si Vice Ganda nang kausapin niya via split screen ang "Tawag ng Tanghalan" finalist na si Reggie Tortugo, na para sa kanya ay look-alike ng Eat Bulaga! co-host na si Alden Richards.

Nasa ABS-CBN studio ng It’s Showtime sina Vice, Vhong Navarro, Anne Curtis, at Amy Perez habang nasa rehearsal naman ng "Tawag ng Tanghalan" sa Aliw Theater si Reggie.

Nakatuwaan ni Vice na makipag-virtual high five kay Reggie at gayahin ang ginagawa nina Alden at Maine Mendoza na pinagdidikit ang kamay na hugis-puso via split screen.


Napanood namin ang episode kahapon ng It’s Showtime at, tulad ng studio audience, natawa kami sa sinabi ni Vice na, "Ang lakas maka-Aldub nun, ha? AlDub, AlDub lang.

"Yaya Dub lang ako today. Buhay na buhay ang buong AlDub Nation.

"So, ayan, mukhang mapapagalitan ako…"

Tawang-tawa sina Amy, Anne, at Vhong sa “comedy act" ni Vice kaya naitulak ito ni Vhong.

"Aray, itinutulak ako nito… si Lola Nidora" nagulat na reaksiyon ni Vice kaya ginaya ni Vhong ang pagsasalita ni Lola Nidora, ang karakter ni Wally Bayola sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Nasamid nang matindi si Vice habang nagsasalita kaya tinanong siya ni Vhong ng numero na sinagot niya ng "Seven... GMA-7," kasunod ang pagbati sa ABS-CBN executive na kababalik lamang mula sa ibang bansa.

“Hi Tita Cory, welcome back. I love you. We missed you, Tita Cory. I will see you tomorrow. I love you po.

"Principal’s office ako mamaya…" ang welcome greeting ni Vice kay Vidanes.

Binigyan ito ng malisya ng ilan kaya may mga nag-akalang may hidwaan sila.

Ang insidente kahapon ay hindi unang pagkakataong nangyari dahil ilang beses nang nababanggit ni Vice sa impromptu spiels niya ang Eat Bulaga!, na rival show ng It’s Showtime.

Sa tuwing binabanggit ni Vice ang Eat Bulaga! at ang mga host nito sa It’s Showtime, pinag-uusapan, tuwang-tuwa, at bentang-benta ito sa kanyang mga co-host, studio audience, at viewers ng noontime program ng ABS CBN.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN