Jackie Rice, nag-leave muna sa Bubble Gang para mag-focus sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka

On leave si Jackie Rice sa Bubble Gang dahil gusto niyang mag-concentrate sa kanyang contravida role sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, ang afternoon drama series ng GMA-7 na magkakaroon ng Book 2.


Paliwanag ni Jackie, “I know sayang [ang pagpapahinga sa Bubble Gang], pero kapag nakita niyo ang script, lahat halos ako [ang mga nasa eksena].

"Ilang years na ako sa Bubble Gang, pero kinausap ko naman sila.

"Nagpaalam ako para mabigyan ko ng justice ang role ko sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

"Ayoko naman na darating ako na late.

"Pangalawa, ayoko na darating ako sa set na hindi ko kabisado ang lines ko. Lahat ng lines ko, kabisado ko, kahit anong haba.

"Gusto kong maging propesyunal, kasi sa Bubble Gang, walang karakter.

"Dito sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, hindi puwedeng ma-late ako o hindi kabisado ang lines ko, apektado ang lahat ng mga kaeksena ko.

"Ayoko na mabulyawan o masabihan nang pangit."

Malaki na ang ipinagbago ni Jackie mula nang pumasok siya sa showbiz.

Noong bata pa siya at baguhan sa showbiz, problema si Jackie ng production staff ng mga television show dahil sa pagiging unprofessional niya.

Ngayon, propesyunal at obsessed na si Jackie sa trabaho.

Hindi raw niya pinagsisisihan ang nakaraan, pero nagkaroon siya ng realization na hindi madaling career ang pag-aartista.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN