Ex Battalion, di alam na para sa teleserye ni Alden Richards ang ginawang kanta

by Jojo Gabinete
Jun 3, 2018

Sina Archie dela Cruz, Darly Ruiz, at Mark Maglasang ng Ex Battalion ang mga composer ng "Superhero Mo," ang official theme song ng Victor Magtanggol, ang upcoming action telefantasya primetime series ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Alden Richards.


Supposedly, confidential pa ang impormasyon pero nag-leak agad ang balita tungkol sa collaboration ng Ex Battalion at ni Alden para sa theme song ng Victor Magtanggol.

Continue reading below ↓

Walang idea ang Ex Battalion kung para saan ang kantang ipinagagawa sa kanila, pero sinabi ng manager nilang si Ai-Ai delas Alas na tungkol sa superhero ang lyrics na gusto ng Kapuso Network management.

Ang sabi ni Mark, "Nang sabihin ni Mama Ai na kailangan pang-superhero, gumawa agad ako ng koro, ang inisip ko, si Thor.

"Hindi ko alam na para pala sa Victor Magtanggol ang theme song."

Si Mark ang isa sa pinaka-talented na miyembro ng Ex Battalion pero madalas na sinusumpong ng “artist mood.”

Para sa Ex Battalion, malaking karangalan na sila ang nag-compose ng "Superhero Mo" at nakasama nila si Alden sa recording dahil nakakawala ng yabang ang kanilang karanasan.

"Dati, noong walang naniniwala sa amin, wala naman naniniwala sa amin, walang may paki sa akin, nagyayabang na lang ako.

"Nung ginawa namin ang theme song, galing sa malalaking tao yung compliments, para saan pa, bakit ka pa magyayabang?

Continue reading below ↓

"Yung mga nagbigay sa iyo ng compliments, bigatin na mga tao, kailangan mo nang maging humble, tanggalin mo na yung nasa isip mo na wala naman may paki sa akin kaya magyayabang na lang ako," ang sabi ng isa sa mga miyembro ng Ex Battalion sa grand presscon ng Viva Entertainment para sa kanila at kay Ai-Ai.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results