Baron Geisler, pinatay sa fake news; nagdiriwang ng 35th birthday ngayong June 5

Fake news ang balitang pumanaw noong June 3 ang controversial actor na si Baron Geisler. Buhay na buhay siya.


Kung may namatay man, ito ay ang acting career ni Baron dahil na rin sa sariling kagagawan niya.

Malaki pa ang tsansang mabuhay ang acting career ni Baron kapag sineryoso at tinupad niya ang paulit-ulit na pangakong magbabago dahil isa siya sa mga mahuhusay na character actor ng kanyang henerasyon.

Ngayong araw, June 5, ang 35th birthday ni Baron kaya parang sinadya na ikalat ang tsismis na binawian siya ng buhay dalawang araw bago sumapit ang kaarawan niya.

Active na uli si Baron sa social media kaya siya mismo ang nagsabing walang katotohanan ang balita.

Sinabi ni Baron na ang "old self" niya ang patay na, pero para sa kanya, mali pa rin ang magkalat ng fake news.


Dalawang buwan na naging tahimik ang buhay ni Baron dahil ipinasok siya sa rehabilitation center ng kanyang concerned friends noong March 2018.

Hindi nalaman ng publiko ang rehabilitation center na pinagdalhan kay Baron, pero may mga sighting sa kanya sa Cebu City.


Noong May 30, nag-post si Baron sa kanyang Facebook account ng statement at may dateline Cebu tungkol sa kasalukuyan na kalagayan niya.

Aniya, "Recovering from addiction is hard but possible if I am willing to accept that I have a problem/decease (sic) which is alcoholism that made my life unmanageable.

"I just have to work the steps because it works if you work and do it a day at a time.

"By God’s grace nothing is impossible and opportunities are limitless if I totally surrender and take it seriously.

"I can do all things though (sic) Christ who strengthens me. Philippians 4:13."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN