Drew Arellano, nangungulila sa yumaong ama na si Atty. Aga Arellano

by Jojo Gabinete
Jun 5, 2018

Sa June 17 ang Father’s Day kaya ang relasyon nila ng kanyang namayapang ama na si Atty. Antonio G. Arellano, aka Atty. Aga, ang itinanong kay Drew Arellano sa press conference ng Season 4 ng Home Foodie.


Ang Home Foodie ang nagbabalik-telebisyon na cooking show ng San Miguel Purefoods na muling mapapanood sa GMA-7 simula sa June 11, pagkatapos ng Unang Hirit.

Continue reading below ↓

Hindi itinanggi ni Drew ang matinding pangungulila sa kanyang ama na binawian ng buhay noong 2013 dahil sa colon cancer.

Ipinagtapat ni Drew na missed na missed na niya ang kanyang ama at ang thoughtfulness nito.


"Ang trait na gusto kong makuha from him ay ang pagiging thoughtful.

"He was the most thoughtful and sometimes when I feel I lack yung pagiging thoughtful, sabi ko sana, ma-develop ko yun in time.

Continue reading below ↓

"He buys stuff, he doesn’t think about himself, he was so giving.

"Oo naman, I missed him, sobrang-sobra," ang sabi ni Drew.

Nakiayon si Drew sa opinyon ng Cabinet Files tungkol sa napakagandang PR ni Atty. Aga dahil kahit minsan lang nito nakilala ang isang tao, parang matagal nang kaibigan ang trato niya.

“Magaling... ang galing, ‘no? He had that gift, really.

"He’s a people person. He’s such a people person na it was just right for him to have that radio show, just imbibing his knowledge when it comes to law, giving free legal service and advice, he was that guy,” pagmamalaki ni Drew tungkol sa tatay niya.

Kumusta siya bilang ama ni Primo, ang panganay na anak nila ni Iya Villania?

Sagot no Drew, "Playful… very playful.

"Ang feeling ko, ang tingin sa akin ng anak ko, hindi tatay kundi laruan… mascot… yun ang relationship namin.

Continue reading below ↓

"Ang lahat ng disiplina, nanggagaling kay Iya, kailangan, e,

"Kasi siyempre, ako yung two days, three days, wala ako sa bahay, so ayoko yung ako ang magiging bad cop."

Hindi nalilimutan ni Drew ang simpleng payo ng kanyang ama na "There will be better days" kapag may problema o nalulungkot siya na tiyak na ibabahagi rin niya balang-araw sa mga anak nila ni Iya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results