Lander Vera-Perez, palaging basa habang ginagawa ang Cry No Fear

Must-see movie ang description ni Lander Vera-Perez sa Cry No Fear, ang suspense -thriller movie ng direktor na si Richard Somes na pinagbibidahan nina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome.

Ayon kay Lander, kakaiba ang kuwento ng pelikula na siguradong maghahatid ng takot sa moviegoers.


Inabot ng sampung araw ang shooting ni Lander para sa Cry No Fear.

Kung may ipinagpapasalamat siya, ito ay ang hindi niya pagkakaroon ng sakit habang ginagawa ang pelikula dahil puro night effects at sa gitna ng malakas na ulan ang mga eksena nila na kinunan sa Antipolo City.

Walang gabi na hindi basa si Lander at ang kanyang mga co-star na sina Patricia Javier at Christopher Roxas.

Pero sulit na sulit umano ang kanilang pagod at puyat dahil sa international calibre ng Cry No Fear na magbubukas sa cinemas nationwide sa June 20.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN