Kris Aquino at Cristy Fermin may reunion sa Cristy FerMinute

by Cabinet Files
Jun 7, 2018

Guest si Kris Aquino sa radio show na Cristy FerMinute ni Cristy Fermin ngayong hapon, 4 to 6 p.m. sa Radyo Singko.

Inaasahan na pag-uusapan sa guest appearance ni Kris ang hindi pa niya tinatapos na isyu tungkol sa kanilang dalawa ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Mapapakinggan sa Radyo Singko 92.3 News FM at mapapanood sa Aksyon TV41 ang kauna-unahan na pagkakataon na pagbisita ni Kris sa radio program ni Fermin.


Continue reading below ↓

Marami ang nagulat sa pagpayag ni Kris na dumalaw sa radio program ni Fermin dahil alam ng lahat na may kinikimkim siya na sama ng loob sa entertainment columnist, na dating co-host niya sa The Buzz.

Kinumpirma ng isang insider na ang kampo ni Kris ang gumawa ng paraan kaya mangyayari ngayong hapon ang guest appearance niya sa Cristy FerMinute.

May mga nagsasabi na vindicated si Fermin dahil si Kris ang kusang lumapit sa kanya.

Pero mapagkumbaba na sinabi ng entertainment columnist/radio host na, “Alam niya kasi na sa tama, nanay niya ako. Sa mali, magkalaban kami.”

Ang latest action ni Kris ang patunay na totoong-totoo ang pahayag ni former US Secretary of State Henry Kissinger noong dekada ’80, “There are no permanent friends or enemies, only interests.”

Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino, Cristy Fermin
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results